Wednesday, April 15, 2009

KAPAG ANG LALAKI ANG MAUBUSAN NG REGLA

buntis ang pekeng gabing nakalatag
sa mga upuan.
kinakantot ng surot ang di madalaw
na silya.
takam sa dating putaheng inihalo
sa dura, pawis at plema
bawat ikot
kadyot sa kaluluwang di maapuhap
ang daan tungo sa kaunting ginhawa
mula sa mga bibig, labi, dila
at balahibong kumakalmot
hindi lamang sa mga pekeng liwanag
kundi sa pusikit na karimlan ng hinuha.

iniluwal sa mga dingding
ang mga supling ng libog,
halinging, kati at galis
ng di maiwanang adiksyon sa laman
at ng kaluluwa at ng mga naliligaw
na matang hinahasa, tumatalas sa dilim.

lahat sila ay may kani-kanyang kwento pag-uwi:
ang surot ay tigang ang bituka.
ang silya ay titiklop ng dasal.
ang dilim ay maghihingalo sa liwanag.
ang liwanag ay kriminal
ng iyong ama,ina, kapatid, asawa
lahat sila'y mamamatay bukas
dahil walang mga butil ng bigas
na isinaboy sa pekeng liwanag
na akala mo'y iyong maiuuwi
sa mga nayuyuping pinggan.
at ikaw
ang kwento mo
maglakad
tumakbo
palayo
dahil nagbuntis lamang ang pekeng gabi
at ikaw ang amang
naubusan ng regla.


No comments:

Post a Comment